Martes, Abril 25, 2017

Anong mga karamdaman at sakit ang tinitignan ng mga Neurologist, Neurosurgeon, o Pediatric Neurologist?

Diseases of the Brain, Spinal Cord, Nerves and Muscles:
  • Stroke
  • Infarct
  • Bleed o hemorrhage
  • Aneurysm
  • Arteriovenous malformation o AVM
  • Epilepsy
  • Seizure
  • Kombulsyon
  • Nawawalan ng malay
  • CNS infections o mga impeksyon sa tuak o spinal cor
  • Meningitis
  • Encephaliti
  • Abscess.
  • Empyema.
  • Headache. Sakit ng ulo.
  • Dizziness. Vertigo.  Pagkahilo.
  • Brain tumor.  Bukol sa utak.
  • Traumatic brain injury.  Epidural / subdural hemorrhage.
  • Congenital malformations of the brain and spinal cord.
  • Hydrocephalus.
  • Movement disorders. Parkinson disease.  XDP o Lubag. Dystonia. Tremors. Ataxia.
  • Dementia.  Alzheimer.  Vascular dementia. Frontotemporal dementia. Prion diseases o CJD.
  • Polyneuropathy.  Myasthenia gravis.  Guillain-Barre syndrome. Neuropathic pain.  Trigeminal neuralgia.
  • Multiple sclerosis.  ALS.
  • Myopathy.  Myositis.

Paano lumipat sa PGH mula sa ibang ospital?

Mayroong dalawang klase ng transfer sa PGH. Ang una ay ang Charity Transfer at ang ikalawa naman ay ang Private o Pay Patient Transfer.

1. Charity Transfer
Makipag-usap sa kasalukuyang doktor at sabihin na gusto ninyong malipat ang pasyente sa PGH bilang isang Charity Transfer. Mula dito, makikipag-coordinate ang inyong doktor sa mga doktor sa PGH kung maaaring malipat ang inyong pasyente.
2. Private o Pay Patient Transfer
Makipag-usap sa kasalukuyang doktor at sabihin na gusto ninyong malipat ang pasyente sa PGH bilang isang Private Transfer.
Sabihin sa inyong doktor ang pangalan ng PGH doctor na nais ninyong lipatan. Kung wala pa ay maaari kayong tumawag sa numerong 554-8400. Kung ang inyong pasyente ay magpapa-confine, magtanong na rin kung mayroong bakanteng kwarte at kung paano magpa-reserve ng room.
Makakalipat ang inyong pasyente kung mayroong available na kwarto at kung nakapag-kasundo na ang inyong ospital at ang mga doktor ng PGH.

Ano ang pinagkaiba ng Blue Card at White Card?

Ang Blue Card ay isang ID ng mga pasyente ng PGH maging private man (may bayad) o charity (walang bayad).
Ang White Card naman ay isang ID ng mga pasyente ng PGH na nabibilang sa Class D o indigent. Para makakuha nito, kailangang magpasuri sa isang social worker upang mapatunayan ang pagka-indigent. 
Tandaan na sa unang beses na magpapatingin sa PGH ay makakakuha ka ng Blue Card.

Paano kumuha ng libreng konsultasyon sa PGH Neuro Department at sa ibang mga departamento?

Step 1
Pumunta sa Outpatient Department ng PGH sa Taft Avenue Ermita, Brgy 670 Zone 72, Manila, 1000 Metro Manila.

Step 2
Para sa mga bagong pasyente, pumunta nang maaga sa Counter #1 upang mabigyan ng blue card. At para naman sa mga may blue card na ay dumeretso na kayo sa Counter #5.

Step 3
Kapag kayo ay nasa counter na, sabihin kung anong inyong nais ipakonsulta at bibigyan kayo ng direksyon kung saang clinic kayo mapupunta.

Step 4
Hintayin ang doktor sa clinic.