Mayroong dalawang klase ng transfer sa PGH. Ang una ay ang Charity Transfer at ang ikalawa naman ay ang Private o Pay Patient Transfer.
1. Charity Transfer
Makipag-usap sa kasalukuyang doktor at sabihin na gusto ninyong malipat ang pasyente sa PGH bilang isang Charity Transfer. Mula dito, makikipag-coordinate ang inyong doktor sa mga doktor sa PGH kung maaaring malipat ang inyong pasyente.
2. Private o Pay Patient Transfer
Makipag-usap sa kasalukuyang doktor at sabihin na gusto ninyong malipat ang pasyente sa PGH bilang isang Private Transfer.
Sabihin sa inyong doktor ang pangalan ng PGH doctor na nais ninyong lipatan. Kung wala pa ay maaari kayong tumawag sa numerong 554-8400. Kung ang inyong pasyente ay magpapa-confine, magtanong na rin kung mayroong bakanteng kwarte at kung paano magpa-reserve ng room.
Makakalipat ang inyong pasyente kung mayroong available na kwarto at kung nakapag-kasundo na ang inyong ospital at ang mga doktor ng PGH.
may babayaran po ba kmi nasa pgh po ngayun ang bata dahil naipit ang daliri niya sa escalator.. for surgery kasi nabali po ang butgo niya... patulong namn po kung paano.. at kung may babayaramn po kmi. wala din po kasing philhealth ang parents niya..
TumugonBurahin